Lipa Archbishop Ramon Arguelles Disappointed ‘Madonna’ Rebel Heart Tour Concert

0

HIGHLIGHTS & REPLAY CLICK HERE ____________________________________

Lipa Archbishop Ramon Arguelles disappointed ‘Madonna’ rebel heart tour concert event held in Philippines.

Philippines – Dismayado si Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa nalalapit na Rebel Heart tour ni Queen of Pop Madonna sa Mall of Asia sa February 24 at 25.

Ayon kay Arguelles, ito ay dahil sa mistula nang nagiging paborito ang Pilipinas ng cultural colinializm.

Dagdag ni Arguelles, kilala si Madonna sa kanyang mga kanta na lumalapastangan sa Diyos.

HIGHLIGHTS & REPLAY CLICK HERE ____________________________________

Bukod dito, masyado rin aniyang liberated si Madonna na hindi magandang halimbawa sa mga kabataan.

Higit na ikinadidismaya ni Arguelles ang venue na pagdarausan ng concert ni Madonna.

Kung matatandaan ayon kay Arguelles, ang napiling venue ng concert ni Madonna sa MOA ang siya ring naging venue ng Meeting of the Families nang bumisita noong Enero 2015 si Pope Francis sa bansa.
 Madonna’s 2015-2016 Rebel Heart Tour

Bukod kay Madonna, una na ring tinutulan noon ni Arguelles ang concert ni Lady Gaga.

Gayunman, sinabi ni Arguelles na nasa taong bayan pa rin ang pagpapasya kung manonood ng concert ni Madonna na batid namang bastos ang mga kanta.

Show me your Reactions